PhilArchive
open access
Himig ng Rehiyon: Pilipinolohiya sa mga Piling Kantang Ilonggo Pop sa South Cotabato
Layunin ng pananaliksik na ito na madalumat ang Pilipinolohiya ng mga piling kantang Ilonggo Pop sa South Cotabato—isang rehiyon na mayaman sa kasaysayan at kulturang Ilonggo. Tinatangka nitong sagutin kung paano naipapahayag sa mga awitin ang kaisipan, kultura, at ugnayang panlipunan ng mga Ilonggo, at kung paano ito nakatutulong sa pagbuo ng kanilang kultural na identidad. Isinagawa ang pag-aaral sa pamamagitan ng kwalitatibong disenyo, gamit ang pagsusuri sa nilalaman at tematikong pagsusuri sa mga liriko ng mga napiling awitin. Ang pagsusuri ay nakatuon sa tatlong pangunahing aspeto: Kaisipan, na sumasaklaw sa mahahalagang ideya at mensahe; Kultura, na nagpapakita ng mga tradisyon at paniniwala; at Lipunan, na tumatalakay sa mga isyung panlipunan at interaksyon sa komunidad. Isinama rin sa metodolohiya ang pakikipanayam sa mga lokal na musikero upang mas mapalalim ang konteksto ng mga awitin. Batay sa mga natuklasan, lumitaw na ang mga kantang Ilonggo Pop ay may malalim na ugnayan sa kasaysayan, pananaw, at karanasan ng mga Ilonggo. Ipinapakita sa mga ito ang pagpapahalaga sa sariling kultura, ang diwa ng pagkakaisa at bayanihan, pati na rin ang mga temang may kinalaman sa pag-asa, katatagan, at optimismo. Sa kabuuan, ipinakikita ng pananaliksik na ang Ilonggo Pop ay hindi lamang isang anyo ng sining, kundi isang makapangyarihang midyum ng pagpapahayag, pagpapanatili, at pagpapalaganap ng kultural na identidad. Sa pamamagitan ng musika, naipapasa ang mga karunungan at tradisyon ng mga Ilonggo sa mga susunod na henerasyon, na siyang nagpapatibay sa kanilang pagkakaisa bilang isang komunidad.
Conceptio Open Archive
Analyze & explore related research in Conceptio
Connect this record directly into your research workflow or AI agent. Explore citations across open repositories, query full text, and export structured proof bundles.
This document is indexed with metadata only: full text is not available in the archive for this record. Open the official source ↗
Related documents
- Kasaysayang Buhay ni Kapitan Moy (1851-1891) sa Konteksto ng Kasaysayang Mariqueño#85184
- Ang Ugnayang Ako-Ikaw Lampas Ako-Ito: Tungo sa Pagtuklas ng Diyos bilang Ubod-Tigib-Apaw-Ikaw (Isang Pilosopikal na Sanaysay)#694007
- Ang Sarili at Pagkakasarinlan Tungo sa Kaganapan at Dekolonisasyon ng Pilosopiyang Pilipino#72809
- Paano Nagiging Relatibo ang Loob-Labas?: Diskursong loob-labas at pamanang intelektwal ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo#104970
- Suring Supling: Panitikang Pambata bilang Kasangkapan ng Pagbabalik-loob sa Egalitaryong Sistema ng Sinaunang Pamayanang Pilipino#106350
Record · ID 108360
Retrieved via Conceptio: every document is proof-bundled with source, license, and retrieval metadata.
Retrieved via Conceptio: every document is proof-bundled with source, license, and retrieval metadata.
Bring this data into your agent: Connect via MCP or API · 20 free credits to start · no card required
Read the Docs → · View CLI source on GitHub · Conceptio Open Knowledge Archive
Read the Docs → · View CLI source on GitHub · Conceptio Open Knowledge Archive