Conceptio › Archive › PhilArchive
PhilArchive open access

Ciencia Colonial, Facultad de Medicina y Farmacia at Edukasyong Medikal: Kolonyal na Tugon sa Suliranin sa Sakit, Dantaon 19

Atienza, John Adrianfer · 2019
PhilArchive · Papers · 2019
Open Source ↗
philosophy
Saksi ang huling bahagi ng ika-19 na dantaon sa panaka-nakang pagbaba’t pagtaas ng populasyon sa kapuluan. Isinaad na pangunahing sanhi ng malaking kabawasan sa bilang ng tao ay ang pagdapo at paglaganap ng sakit, tulad ng kolera sa kapuluan sa mga taong nabanggit. Kaalinsabay ng pagbaba’t pagtaas ng populasyon sa kapuluan, nasaksihan din sa kasagsagan ng dantaon ang malawakang pag-unlad ng agham na ginamit ng mga Espanyol bilang kanilang kalamangan sa hakbang ng kolonisasyon. Gayunman, hindi maitatatwa na nagdulot din ng positibong aspekto ang kolonyal na agham sa kapuluan. Umusbong sa kapuluan ang iba’t ibang uri ng ciencia colonial na nag-ambag sa pag-unlad ng kapuluan. Isang uri ng kolonyal na agham namayagpag ay ang edukasyong medikal. Sa akda, susubukang bigyang katwiran ang edukasyong medikal at iba pang kaugnay na larangan bilang tugon ng pamahalaan sa mga suliraning nakaugnay sa sakit sa kapuluan. Sa pamamagitan ng datos ng populasyon at demograpiya, ilalahad ng akda ang naging epekto ng pagkalat ng sakit sa bilang ng tao. Nakatuon ang akda sa institusyunal na kasaysayan ng Facultad de Medicina y Farmacia ng Unibersidad ng Santo Tomas na lunan ng mga medicos na magsisilbing instrumento ng pamahalaang kolonyal sa hakbang upang sugpuin sa suliraning pangsakit sa Pilipinas. Sa huli, ilalahad ng akda ang naging resulta ng edukasyong medikal bilang tugon sa pagsugpo sa suliranin.
Conceptio Open Archive

Analyze & explore related research in Conceptio

Connect this record directly into your research workflow or AI agent. Explore citations across open repositories, query full text, and export structured proof bundles.

This document is indexed with metadata only: full text is not available in the archive for this record. Open the official source ↗

Related documents

Record · ID 117716
Retrieved via Conceptio: every document is proof-bundled with source, license, and retrieval metadata.
Bring this data into your agent: Connect via MCP or API · 20 free credits to start · no card required
Read the Docs → · View CLI source on GitHub · Conceptio Open Knowledge Archive