PhilArchive
open access
Paglilinang ng araling aprikano sa pilipinas: Mula area studies tungong araling kabanwahan
Isa ang kontinenteng Aprika sa ipinakilala at tinalakay noong 1991-1992 ng Lupon ng Araling Pang-erya ng Dalubhasaan ng Agham Panlipunan at Pilosopiya (DAPP) sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) Diliman. Isa ito sa ibinunga ng Araling Pang-erya na kalaonan ay tatawagin bilang Araling Kabanwahan o isang disiplinal na pag-aaral sa ugnayan at/o pag-uugnay sa Pilipinas at sa mga kaugnay na bayan at/o kabihasnan. Gayumpaman, sa kabila ng pagpupunlang ito, nananatiling salat ang kaalaman ng mga Pilipino tungkol sa Aprika bilang isang erya at rehiyon. Tinuturol ng pananaliksik na ito ang pagbabalik-tanaw sa (1) kasaysayan ng African Studies bilang Area Studies sa unang banda at Araling Aprikano bilang Araling Kabanwahan sa kabilang dako; (2) mga institusyonal na karanasan sa pagtuturo at pagkatuto ng Araling Aprikano; at (3) ang pangsangguniang pagtatala sa mga akdang nagtampok sa ugnayan ng Pilipinas at Aprika. Sa huli, ang pag-aaral na ito ay preskriptibong nagpapanukalang maibalik at mapagyaman sa kurikulum ang Araling Aprikano sa Pilipinas na nakabatay sa pananaw, pagpapahalaga, at talastasang Pilipino.
Conceptio Open Archive
Analyze & explore related research in Conceptio
Connect this record directly into your research workflow or AI agent. Explore citations across open repositories, query full text, and export structured proof bundles.
This document is indexed with metadata only: full text is not available in the archive for this record. Open the official source ↗
Related documents
- Parikala ng bunga: Mga tula sa pananampalataya at ang mga kabalintunaan#252547
- Formalistikong paglalandas sa ginto't pilak (2021) nina Hidilyn Diaz at Eugene Evasco tungo sa pagpapahalaga sa kinestetika at palakasan ng kababaihang pilipino#88985
- 19 REBYU KONTRA COVID-19: Kalipunan ng mga Panunuring-aklat sa Agham Panlipunan, Teolohiya, at Panitikan#765240
- Ugnayang Australia at Pilipinas: Mga Natatanging Gunita ng Diaspora at Rebolusyong Pilipino#724994
- Ilang kaso ng mga phallikong presensiya sa pasibo at aktibong kamatayan sa mga salaysaying bayan#219735
Record · ID 723306
Retrieved via Conceptio: every document is proof-bundled with source, license, and retrieval metadata.
Retrieved via Conceptio: every document is proof-bundled with source, license, and retrieval metadata.
Bring this data into your agent: Connect via MCP or API · 20 free credits to start · no card required
Read the Docs → · View CLI source on GitHub · Conceptio Open Knowledge Archive
Read the Docs → · View CLI source on GitHub · Conceptio Open Knowledge Archive