Conceptio › Archive › PhilArchive
PhilArchive open access

Mula sa estereotipo tungo sa pagpapalaya: Ang pagbabago ng representasyong pangkasarian sa kuwentong pambata

Tumacder, Jenny Rose · 2026
PhilArchive · Papers · 2026
Open Source ↗
philosophy
Ang panitikang pambata ay isang mahalagang salik sa paghubog ng pananaw ng mga bata sa lipunan, kabilang ang kanilang pag-unawa sa kasarian. Sa pamamagitan ng mga kuwento at tauhan nito, nabubuo sa isipan ng mga bata ang pagkilala sa mga gampanin at kakayahan ng babae at lalaki. Karaniwang inilalarawan sa mga tradisyonal na kuwentong pambata ang mga ina bilang tagapag-alaga ng tahanan at ang mga ama bilang tagapagtaguyod ng pamilya—isang uri ng paglalarawan na nagpapatibay ng makalumang pagpapakahulunan sa kasarian. Ang ganitong estereotipikong pananaw ay maaaring umakay sa batang mambabasa tungo sa makitid na pag-unawa sa mga tungkuling pangkasarian. Layunin ng pag-aaral na ito na suriin ang representasyong pangkasarian sa sampung piling kuwentong pambata at matukoy kung paano lumalabag at sumusunod ang mga ito sa mga estereotipikong pananaw. Nais ding tukuyin ng pananaliksik ang mga anyo ng estereotipikong representasyon sa kasarian na matatagpuan sa mga nasabing akda, kung paano hinahamon ng mga may-akda ang mga ito sa pamamagitan ng kanilang mga tauhan at tema, at kung mayroon nang mga akdang ganap nang nagpapalaya sa tradisyonal na pagbibigay-kahulugan sa kasarian. Gumamit ang pag-aaral ng kwalitatibong pananaliksik, partikular ang case study approach at content analysis. Binuo ang korpus mula sa sampung piling akdang pambata na inilimbag ng Adarna House at Lampara Books sa pagitan ng 2001 at 2023, na pinili batay sa criterion sampling ayon sa wikang Filipino, angkop na antas ng pagbabasa, at pantay na representasyon ng babae at lalaki. Ginamit ang hybrid coding sheet upang sistematikong matala ang mahahalagang elemento ng bawat kuwento. Ikinumpara ang pagsusuri ng mga mananaliksik sa pagsusuri ng dalawang guro gamit ang comparison sheet upang matiyak ang pagiging obhetibo ng interpretasyon. Ipinakita ng mga resulta na pitong (7) sa sampung (10) kuwentong pambata ang ganap nang nakalaya sa estereotipong pananaw sa kasarian. Bilang kongklusyon, lumalabas na unti-unti nang umuusbong sa panitikang pambata ang mga naratibo na nagwawaksi sa mga estereotipikong pananaw sa kasarian. Mahalaga ang pagkilala at pagpapalawak ng ganitong mga akda upang mapaunlad ang pang-unawa ng mga bata sa pagkakapantay-pantay ng kasarian. Kaugnay ng mga implikasyong pang-edukasyon, ang mga natuklasan ay may malalim na kabuluhan para sa mga guro, mag-aaral, at paaralan: ang mga guro ay maaaring gumamit ng mga akdang nagpapalaya sa kasarian bilang kasangkapan sa pagbuo ng mas inklusibong kurikulum at kritikal na literasiya; ang mga mag-aaral, lalo na sa antas ng elementarya, ay nakikinabang mula sa pagbabasa ng mga kuwentong nagtatampok ng iba't ibang uri ng representasyong pangkasarian; at ang mga paaralan ay hinihikayat na bumuo ng mga programang nakatuon sa gender-responsive na pagbabasa upang maisaloob ang mga ganitong akda sa pormal na edukasyon.
Conceptio Open Archive

Analyze & explore related research in Conceptio

Connect this record directly into your research workflow or AI agent. Explore citations across open repositories, query full text, and export structured proof bundles.

This document is indexed with metadata only: full text is not available in the archive for this record. Open the official source ↗

Related documents

Record · ID 724829
Retrieved via Conceptio: every document is proof-bundled with source, license, and retrieval metadata.
Bring this data into your agent: Connect via MCP or API · 20 free credits to start · no card required
Read the Docs → · View CLI source on GitHub · Conceptio Open Knowledge Archive