Conceptio › Archive › PhilArchive
PhilArchive open access

Testamento sa Kairalan ng Teolohiyang Pilipino: Panunuring-aklat sa The Rise of Filipino Theology nina Dindo Tesoro at Joselito Alviar Jose

Santos, Mark Joseph Pascua · 2026
PhilArchive · Papers · 2026
Open Source ↗
philosophy
“Mayroon bang Teolohiyang Pilipino?” Tulad sa ibang disiplina gaya ng pilosopiya at sikolohiya, noong dekada 70 ay madalas na sumusulpot ang tanong na ito sa hanay ng mga teologo. Pero makalipas ang tatlong dekada mula noon, napalitan na ito ng tanong na “Ano na ba ang estado ng Teolohiyang Pilipino?” Ang aklat na The Rise of Filipino Theology nina Dindo Tesoro at Joselito Alviar Jose noong 2004 ay malinaw na testamento sa kairalan ng Teolohiyang Pilipino. Nakatuon ang panunuring-aklat na ito sa mahalagang ambag ng aklat nina Tesoro at Alviar Jose sa larangan, tulad ng pagiging katibayan sa kairalan ng proyektong ito, panandang bato para sa isang peryodisasyon ng kasaysayang intelektuwal ng Teolohiyang Pilipino sa hinaharap, rekurso sa eksposisyon sa mga indibiduwal na teologo, at batayang-aklat sa mga kurso sa Teolohiyang Pilipino. Naglalatag din ang rebyu ng ilang maipupukol na puna sa aklat tulad ng kawalan ng peryodisasyon, pagiging androsentriko ng talaan nito ng mga teologo, limitadong atensyon sa mga Ebanghelikal at Protestanteng teologo, at pagsasama ng mga hindi propesyunal na teologo. Gayunman, sa kabila ng mga punang ito, hindi matatawaran ang saysay ng aklat sa pagpapamalas sa mga mambabasa sa kairalan ng Teolohiyang Pilipino bilang isang ganap na larangang akademiko.
Conceptio Open Archive

Analyze & explore related research in Conceptio

Connect this record directly into your research workflow or AI agent. Explore citations across open repositories, query full text, and export structured proof bundles.

This document is indexed with metadata only: full text is not available in the archive for this record. Open the official source ↗

Related documents

Record · ID 730573
Retrieved via Conceptio: every document is proof-bundled with source, license, and retrieval metadata.
Bring this data into your agent: Connect via MCP or API · 20 free credits to start · no card required
Read the Docs → · View CLI source on GitHub · Conceptio Open Knowledge Archive