PhilArchive
open access
Ang MTRCB sa Regulasyon at Pagbuo ng Diskurso Hinggil sa Representasyon ng Titi sa Midya
Mahalaga ang tungkulin ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) bilang ahensiya ng Republika ng Pilipinas na nagsusuri at nagtatakda ng mga pamantayan para sa mga nilalaman ng ipinalalabas sa midyang Pilipino. Gayumpaman, naging kritikal ang sanaysay na ito sa pagbabalik-tanaw sa tindig at paraan ng regulasyon ng nasabing ahensiya hinggil sa somatiko at/o kahubarang Pilipino, partikular sa mga representasyong naglalarawan at tumatalakay sa titi sa midya. Bagama’t samot-sari at maraming anyo ang mga diskursong umusbong hinggil sa titi sa mga nagdaang dekada, sinikap ng papel na ito na balikan at gawing kasong pag-aaral ang kontrobersiyal na dokumentaryong Lukayo: Hindi Ito Bastos! na ipinalabas sa I-Witness noong 2006 at inulat ng batikang mamamahayag na si Howie Severino. Sinuri rin sa papel ang mga segment ng Family Feud Philippines na umere noong 2022 at 2024, na kapwa nagpakita ng magkahiwalay na usapin hinggil sa representasyon at paggamit ng salitang titi. Sa pamamagitan ng dalawang kasong ito, sinikap ng pag-aaral na siyasatin kung paano ipinoposisyon, binibigyang-kahulugan, at/o tinutugunan ng MTRCB ang representasyon ng titi sa loob ng institusyonal na diskurso ng midyang Pilipino. Sa huli, inaambag ng pag-aaral ang isang magkatambal na pagtingin sa somatiko at midyang Pilipino, kung saan ang katawan ay hindi lamang itinuturing na pisikal na realidad kundi isang larangan ng kahulugan, kultura, kasaysayan, edukasyon, at regulasyon. Sa ganitong pananaw, ang diskurso hinggil sa titi ay hindi dapat awtomatikong ituring bilang usapin ng kalaswaan at/o kabastosan, sapagkat maaari rin itong magsilbing lunsaran at/o makapagbukas ng bagong larangan ng pag-unawa sa katawan, kultura, pagkatao, at pagpapakatao ng mga Pilipino.
Conceptio Open Archive
Analyze & explore related research in Conceptio
Connect this record directly into your research workflow or AI agent. Explore citations across open repositories, query full text, and export structured proof bundles.
This document is indexed with metadata only: full text is not available in the archive for this record. Open the official source ↗
Related documents
- Ang Kababaihan ng Katipunan, Ang Katipunan sa Kababaihan: Isang Diskurso sa Ambag ng mga Babae sa Himagsikang Pilipino#699627
- TAGITI: Pagbuo ng Mungkahing Modyul ng mga Alamat ng mga Laboeño#93345
- Sigarilyo at Paninigarilyo sa Kulturang Pilipino#82261
- 19 REBYU KONTRA COVID-19: Kalipunan ng mga Panunuring-aklat sa Agham Panlipunan, Teolohiya, at Panitikan#765240
- Kahubaran ng Nakaraan, Kahulugan ng Kasalukuyan: Isang Tematikong Pagbasa sa Simbolismo ng Butò sa mga Salaysaying Bayang Pilipino#118043
Record · ID 730998
Retrieved via Conceptio: every document is proof-bundled with source, license, and retrieval metadata.
Retrieved via Conceptio: every document is proof-bundled with source, license, and retrieval metadata.
Bring this data into your agent: Connect via MCP or API · 20 free credits to start · no card required
Read the Docs → · View CLI source on GitHub · Conceptio Open Knowledge Archive
Read the Docs → · View CLI source on GitHub · Conceptio Open Knowledge Archive