PhilArchive
open access
Problematisasyon sa mga Pagpapakahulugang Institusyonal sa Ilang Piling Phallikong Sining sa Pilipinas
Matagal nang pinagkaabalahan ang pagtuklas at pagpapayaman sa ilang kaalaman kaugnay ng katawan (body) at kaisipan at diwa (psyche) bilang bahagi ng pagbubuo ng pagkataong Pilipino. Ngunit, may mga puwang pa ang kailangang matugonan sa usapin ng korporealidad (corporeality) lalo na ang yaong may kinalaman sa mga genitalia—ang titi (phallus) para sa katawang lalaki at puki para sa katawang babae. Kadalasan ang mga genital discourse sa kaso ng Pilipinas ay kalimitang palasak lamang o kung hindi man, limitado sa mga disiplinang kumakanlong dito katulad ng anatomiya, biolohiya, physiolohiya, at patolohiya. May pangako ang somatikong lipunan (somatic society) sa pagpapayaman ng pag-aaral ng katawan at/o pangangatawan sa kultural at politikal na pagpapakahulugan. Tuturulin ng artikulong ito ang diskurso kaugnay ng genitalia partikular na ang phallus sa kontemporanyong lipunan ng mga Pilipino na ang tuon ay sining. Bagama’t pagpapayaman ito sa kabuoang tunguhin ng pagkataong Pilipino, humugot ang pananaliksik sa kaisipang banyaga na nagdalumat sa trikotomiyang ugnayan ng lipunan-institusyon-at-kahulugan. Ang mga institusyon katulad ng simbahan, pamahalaan, paaralan, at maging ng sambahayan ay may kani-kaniyang ipinamamayaning ideolohiya at paniniwala sa isang bagay at/o konsepto. Ang bawat institusyon ay tangan din ang kakayahang pagtibayin ang kapangyarihang pumapaloob dito—sa anyo ng paglikha, pagtutol, at/o pagrepormula ng mga kahulugan at pagpapakahulugan. Mula sa ilang phallikong sining na umusbong sa lipunan ng mga Pilipino, paano kaya ito nabigyan ng sariling kahulugan? Ano ang panlipunang saysay nito sa kasalukuyang pag-aaral ng katawan? Tiningnan din sa pag-aaral ang nagbabagong kahulugan ng phallus bilang sabjek ng isang lipunang sumasailalim sa interpelasyon ng mga diskurso. Kung kaya’t may tatlong phallikong sining ang susuriin sa pag-aaral na ito—(1) ang Pahinungod o Oblation sa panig ng eskulptura; (2) Poleteismo ni Mideo Cruz na isang installation art; at (3) ang pinta ni Richard Gomez na Oooohh. Mula sa mga phallikong sining na ito, tutukuyin ang mga nilikhang kahulugan sa phallus bilang korporeal na salik ng pagkataong Pilipino sa unang banda at kung ano ang mga kinasapitang pagpapakahulugan dito ng mga institusyon sa kabilang dako.
Conceptio Open Archive
Analyze & explore related research in Conceptio
Connect this record directly into your research workflow or AI agent. Explore citations across open repositories, query full text, and export structured proof bundles.
This document is indexed with metadata only: full text is not available in the archive for this record. Open the official source ↗
Related documents
- Ilang kaso ng mga phallikong presensiya sa pasibo at aktibong kamatayan sa mga salaysaying bayan#219735
- Kahubaran ng Nakaraan, Kahulugan ng Kasalukuyan: Isang Tematikong Pagbasa sa Simbolismo ng Butò sa mga Salaysaying Bayang Pilipino#118043
- Suring Supling: Panitikang Pambata bilang Kasangkapan ng Pagbabalik-loob sa Egalitaryong Sistema ng Sinaunang Pamayanang Pilipino#106350
- Si Jose Rizal sa Ugnayang Pilipinas-Indonesia: Pag-aaral Ukol sa mga Salik sa Pagtingin ng Lipunang Indones kay Rizal#718115
- Formalistikong paglalandas sa ginto't pilak (2021) nina Hidilyn Diaz at Eugene Evasco tungo sa pagpapahalaga sa kinestetika at palakasan ng kababaihang pilipino#88985
Record · ID 75829
Retrieved via Conceptio: every document is proof-bundled with source, license, and retrieval metadata.
Retrieved via Conceptio: every document is proof-bundled with source, license, and retrieval metadata.
Bring this data into your agent: Connect via MCP or API · 20 free credits to start · no card required
Read the Docs → · View CLI source on GitHub · Conceptio Open Knowledge Archive
Read the Docs → · View CLI source on GitHub · Conceptio Open Knowledge Archive