PhilArchive
open access
Isang Pagtalakay sa Isa sa mga Accomodative Surface Values na Utang na Loob ng Sikolohiyang Pilipino sa Katauhan ng mga Breadwinner sa Pamilyang Pilipino
Ang pamilyang Pilipino ay kadalasang dinadaluyong ng iba’t ibang mga suliranin na sumusubok sa kanilang ugnayan at pakikipagkapwa sa isa’t isa. Ganunpaman ito rin ang nagiging instrumento upang lalong magkaisa at magtulungan ang bawat miyembro ng pamilya. Sa panahon ng pangangailangan, ilan sa mga miyembro ng pamilya ang gumaganap sa tungkulin ng pagtugon sa mga pangangailangan ng pamilya. Tinutumbasan ang pagmamahal na unang ipinakita ng kanilang mga magulang. Mula rito, sinipat at tinalakay ng papel na ito ang isa sa Filipino values na tinutukoy ni Virgilio Enriquez na “utang na loob” mula sa konteksto ng mga breadwinner sa pamilyang Pilipino. Nilayon nitong makamit ang mga sumusunod: (1) talakayin ang isa sa mga Filipino virtue na utang na loob at penomenon na breadwinning sa konteksto ng lipunang Pilipino; (2) ilahad at suriin ang ilang mga naratibo ng mga breadwinner sa pamilyang Pilipino; (3) lagumin kung paano sinasalamin sa katauhan ng mga breadwinner ang utang na loob sa pamilyang Pilipino. Sa pagtamo ng mga layunin na ito sumangguni ang mananaliksik sa iba’t ibang batis ng impormasyon katulad na lamang ng aklat, artikulo at saliksik upang maipaliwanag ang mga mahahalagang paksa ng papel. Ganoon din gumamit ang mananaliksik ng kwalitatibong pagkalap ng datos na kung saan nagpasagot ng ilang mga katanungan sa mga kalahok na breadwinner upang makolekta at masuri ang kanilang mga naratibo na magagamit sa pagsagot at paglilinaw sa mga katanungan ng pananaliksik.
Conceptio Open Archive
Analyze & explore related research in Conceptio
Connect this record directly into your research workflow or AI agent. Explore citations across open repositories, query full text, and export structured proof bundles.
This document is indexed with metadata only: full text is not available in the archive for this record. Open the official source ↗
Related documents
- TAGITI: Pagbuo ng Mungkahing Modyul ng mga Alamat ng mga Laboeño#93345
- Suring Supling: Panitikang Pambata bilang Kasangkapan ng Pagbabalik-loob sa Egalitaryong Sistema ng Sinaunang Pamayanang Pilipino#106350
- Mula tao patungong aswang: Ang paglalakbay ng pangkatauhang transpormasyon sa pelikulang “Corazon: Ang unang aswang”#82963
- Pagbuo at Balidasyon ng mga Suplementaryong Worksheet sa Filipino 6#245035
- Sigarilyo at Paninigarilyo sa Kulturang Pilipino#82261
Record · ID 107179
Retrieved via Conceptio: every document is proof-bundled with source, license, and retrieval metadata.
Retrieved via Conceptio: every document is proof-bundled with source, license, and retrieval metadata.
Bring this data into your agent: Connect via MCP or API · 20 free credits to start · no card required
Read the Docs → · View CLI source on GitHub · Conceptio Open Knowledge Archive
Read the Docs → · View CLI source on GitHub · Conceptio Open Knowledge Archive