PhilArchive
open access
Pagbuo at Balidasyon ng mga Suplementaryong Worksheet sa Filipino 6
Ang pananaliksik ay nakatuon sa pagbuo ng mga suplementaryong worksheet para sa Filipino 6. Ito ay nakapokus sa mga kasanayang hindi gaanong natutunan ng mga mag-aaral mula sa Most Essential Learning Competencies (MELCs) ng asignaturang Filipino 6. Gamit ang metodolohiyang Research and Development (R&D), sinunod ng mananaliksik ang mga pangunahing yugto sa pagpaplano, pagpapa-unlad at balidasyon upang makabuo ng kagamitang pampagtuturo. Apat na instrumento ng ebalwasyon ang ginamit: hinangong pagsusulit mula sa PROJECT SMART ng DepEd upang matukoy ang mga kasanayang hindi gaanong natutunan ng mga mag-aaral; hangong instrumento mula rin sa DepEd upang masuri ang kalidad ng dimensyon ng mga worksheet; hangong tseklist upang sukatin ang pagiging katanggap-tanggap ng mga nabuong worksheets; at tseklist upang sukatin ang pagtanggap ng mga mag-aaral. Ang pagsusuri ng datos gamit ang mean score ay matutunghayan na ang mga worksheets ay may mataas na balidasyon sa iba-ibang dimensyon, kabilang ang kawastuhan ng nilalaman, porma at teknikal na disenyo, presentasyon, organisasyon, at napapanahong impormasyon. Tinaya rin ng mga mag-aaral at guro ang mga worksheet bilang lubhang katanggap-tanggap na mga suplementaryong kagamitan. Batay sa mga natuklasan, inirerekomenda na maaaring gamitin ng mga gurong Filipino sa Baitang 6 ang mga balidong worksheet na ito sa kanilang pagtuturo. Hinihikayat din ang mga paaralan na suportahan ang patuloy na pagpapaunlad ng mga suplementaryong kagamitan upang higit pang mapabuti ang mga kasanayan ng mga mag-aaral.
Conceptio Open Archive
Analyze & explore related research in Conceptio
Connect this record directly into your research workflow or AI agent. Explore citations across open repositories, query full text, and export structured proof bundles.
This document is indexed with metadata only: full text is not available in the archive for this record. Open the official source ↗
Related documents
- TAGITI: Pagbuo ng Mungkahing Modyul ng mga Alamat ng mga Laboeño#93345
- Mga Guro sa Filipino na Nagtuturo ng Asignaturang ‘Di Filipino: Isang Multiple Case na Pananaliksik#77755
- Si Jose Rizal sa Ugnayang Pilipinas-Indonesia: Pag-aaral Ukol sa mga Salik sa Pagtingin ng Lipunang Indones kay Rizal#718115
- Suring Supling: Panitikang Pambata bilang Kasangkapan ng Pagbabalik-loob sa Egalitaryong Sistema ng Sinaunang Pamayanang Pilipino#106350
- Okupasyonal na Varayti ng Wika ng Magkokopra sa Camarines Norte#724702
Record · ID 245035
Retrieved via Conceptio: every document is proof-bundled with source, license, and retrieval metadata.
Retrieved via Conceptio: every document is proof-bundled with source, license, and retrieval metadata.
Bring this data into your agent: Connect via MCP or API · 20 free credits to start · no card required
Read the Docs → · View CLI source on GitHub · Conceptio Open Knowledge Archive
Read the Docs → · View CLI source on GitHub · Conceptio Open Knowledge Archive