Conceptio › Archive › PhilArchive
PhilArchive open access

Isang Semantikong Pag-aaral sa Ligaya at Libog sa Kalinangang Pilipino

Tugano, Axle Christien J. et al. · 2026
PhilArchive · Papers · 2026
Open Source ↗
philosophy
Ayon sa pahayag ng paham na si Zeus Salazar, pinahahalagahan sa siko lingguwistika ang pagtuon sa kasaklawang semantiko at pagdalumat sa mga “diwang hindi lantad” na matutuklasan lamang sa pamamagitan ng samot saring uri ng pananaliksik, pamamaraan, at pananaw. Layunin ng kasalukuyang pag-aaral na ambagan at tuklasin ang mga konsepto at kontekstong nakapaloob sa ligaya at libog, hindi bilang magkasalungat kundi bilang nagtatalabang ideya sa kambal na pagpapahalaga sa somatiko/korporeal at kaisipang Pilipino. Dahil sa panahon ng pandemiya, kumatig ang pananaliksik na ito sa birtuwal na pakikipagkuwentuhan at pagpapakuwento mula sa sampung kalahok ng pag-aaral. Batay sa kinasapitan, sa unang banda, lumitaw na ang ligaya ay dulot ng sensasyon; bahagi ng pangangailangan at katuparan; at bahagi ng kaginhawahan. Sa kabilang dako, ang libog ay nakaugnay sa gawaing seksuwal; bahagi ng kalikasan, pakiramdam, at pangangailangan; at bilang subliminal ng iba pang bagay. Panghuli, pinahalagahan din sa pag-aaral ang pagtatalaban ng ligaya at libog sa anyo ng kanilang korelatibong ugnayan at samot-saring manipestasyon.
Conceptio Open Archive

Analyze & explore related research in Conceptio

Connect this record directly into your research workflow or AI agent. Explore citations across open repositories, query full text, and export structured proof bundles.

This document is indexed with metadata only: full text is not available in the archive for this record. Open the official source ↗

Related documents

Record · ID 691088
Retrieved via Conceptio: every document is proof-bundled with source, license, and retrieval metadata.
Bring this data into your agent: Connect via MCP or API · 20 free credits to start · no card required
Read the Docs → · View CLI source on GitHub · Conceptio Open Knowledge Archive