Conceptio › Archive › PhilArchive
PhilArchive open access

Pagbawi ng Puki o Panibagong Titi? Isang Somatikong Paglalapat ng Lesbian Phallus ni Judith Butler sa Komunikasyon, Midya, at Lipunang Pilipino

Tugano, Axle Christien et al. · 2026
PhilArchive · Papers · 2026
Open Source ↗
philosophy
Sa dekada-dekadang teoretisasyon at empirikal na pagsusuri at kontribusyon ng talastasang Pilipino hinggil sa kasarian at seksuwalidad—kung saan binibigyang-diin ang pagtutol sa diskriminasyon, marhinalisasyon, at mga banta ng heteroseksista at/o heteropatriyarkal na pananaw—ilang pag-aaral pa rin ang hindi gaanong tumutok sa somatikong pananaw ukol sa genitalia, gaya ng puki at titi. Isa ito sa mga salik na nagbunsod ng sistematikong segregasyon at pagkakahati batay sa kasarian, seksuwalidad, at katawan. Inaambag ng pag-aaral na ito ang isang somatikong pagsusuri sa kahulugan ng titi sa hanay ng mga lesbiana, tomboy, at transman, bukod sa iba pang identidad, na sa maraming pagkakataon ay sumailalim sa estereotipo at pinagmalabisang miskonsepsiyon sa kontekstong Pilipino. Bagama’t may hanggahan, hindi nililimitahan ng pag-aaral ang saklaw nito, at sumandig sa post-estrukturalistang Feminismo ni Judith Butler (1993) hinggil sa konsepto ng lesbian phallus, habang humugot ng inspirasyon at balangkas mula sa Le Corps lesbien ni Monique Wittig (1975). Sa kontekstong Pilipino, sisiyasatin ang naiwanan at/o hindi gaanong nailarawang pananaw hinggil sa “Anatomiya ng Tomboy.” Heuristikong titiyakin ng pag-aaral na mabigyan ng malaya at mapagpalayang somatikong kahulugan ang daliri, tinggil, suso, regla, matris, at puki ng isang tomboy, gayundin ang katawan ng transman, lesbiana, at iba pang nagkakaibang anyo ng Pilipinong seksuwalidad. Layunin nito na ilahad kung paano binigyang-kahulugan ng mga indibiduwal ang titi—isang konseptuwal na simbolo na sa mahabang panahon ay kinokontrol at inangkin ng patriyarka.
Conceptio Open Archive

Analyze & explore related research in Conceptio

Connect this record directly into your research workflow or AI agent. Explore citations across open repositories, query full text, and export structured proof bundles.

This document is indexed with metadata only: full text is not available in the archive for this record. Open the official source ↗

Related documents

Record · ID 694358
Retrieved via Conceptio: every document is proof-bundled with source, license, and retrieval metadata.
Bring this data into your agent: Connect via MCP or API · 20 free credits to start · no card required
Read the Docs → · View CLI source on GitHub · Conceptio Open Knowledge Archive