Conceptio › Archive › PhilArchive
PhilArchive open access

Paglinang sa Kamalayang Kultural ng mga Mag-aaral Gamit ang mga Lokal na Panitikan sa Pagtuturo ng/sa Filipino

Amtalao, John et al. · 2024
PhilArchive · Papers · 2024
Open Source ↗
philosophy
Sinuri sa papel na ito ang halagahin ng lokal na panitikan (mula sa Cordillera) sa paglinang ng kamalayang kultural ng mga mag-aaral mula sa ikapito, ikawalo, at ikasiyam na baitang. Isinagawa ito sa pamamagitan ng pagtukoy hinggil sa mga lokal na panitikang natalakay sa klase at ang pamamaraan ng pagtalakay nito, at kung paano ito nakatulong sa paglinang ng kamalayang kultural ng mga mag-aaral. Kuwalitatibong pagdulog ang ginamit sa pangangalap ng datos na ginamitan ng pamamaraang case study. Ang mga datos ay nakalap sa pamamagitan ng pakikipanayam sa mga mag aaral, sa mga guro, at pagmamasid sa mga klase. Mula sa mga nakalap na datos, lumabas ang dalawang pangunahing tema. Una, ang lokal na panitikan ay ginagamit bilang instrumento sa pagkilala ng kultura. Sa pamamagitan nito, higit na nakikilala ng mga mag-aaral ang kanilang sariling kultura, ang kultura ng ibang pangkat, at nalilinang ang kanilang talasalitaan sa tulong ng lokal na panitikan. Ikalawa, ang lokal na panitikan ay ginagamit bilang isang batayan. Bilang isang batayan, isinaalang-alang ang kultura ng mga mag-aaral sa pagbibigay ng mga gawaing pang-akademiko, kagamitang pampagtuturo, pagpapahalagang panlipunan, hamon, at inspirasyon.
Conceptio Open Archive

Analyze & explore related research in Conceptio

Connect this record directly into your research workflow or AI agent. Explore citations across open repositories, query full text, and export structured proof bundles.

This document is indexed with metadata only: full text is not available in the archive for this record. Open the official source ↗

Related documents

Record · ID 706652
Retrieved via Conceptio: every document is proof-bundled with source, license, and retrieval metadata.
Bring this data into your agent: Connect via MCP or API · 20 free credits to start · no card required
Read the Docs → · View CLI source on GitHub · Conceptio Open Knowledge Archive