Conceptio › Archive › PhilArchive
PhilArchive open access

Si Herbert Lewis at ang Antropolohiyang Amerikano: Ilang Pagpapahalaga at Kritika sa In Defense of Anthropology mula sa Lente ng Karanasang Pilipino

Santos, Mark Joseph · 2025
PhilArchive · Papers · 2025
Open Source ↗
philosophy
Mayroong nagkakaisang-tinig sa Agham Panlipunang Pilipino na ang antropolohiya bilang disiplina ay nagamit ng mga Amerikano upang pangatuwiranan ang kolonyalismo. Ngunit sa Estados Unidos, mayroong umiiral na mga reaksiyon na sinusubukang ipagtanggol ang Amerikanong antropolohiya. Isa na rito si Herbert Lewis, Propesor Emeritus ng Antropolohiya sa University of Wisconsin-Madison. Nakatutok ang kasalukuyang rebyu sa aklat ni Lewis na In Defense of Anthropology: Investigation of the Critique of Anthropology. Liban sa pagpapakilala sa kaligiran ng may-akda at pagbubuod sa mga kabanata, layunin din nitong maglatag ng mga komendasyon at kritisismo sa akda. Sa isang banda, igigiit na bagaman nasa kabilang kampo tayo bilang mga tagapagsulong ng Agham Panlipunang Pilipino, mayroon pa rin tayong mapupulot na aral mula sa akda ni Lewis. Partikular na rito ang pagpapahalaga sa etnograpiya, pag-iwas sa Occidentalismo, maingat na kritisismo na suportado ng empirikal na datos, at kritisismo sa ilang teoretikal na pretensyon ng critical at cultural studies. Ngunit sa kabilang banda ay pupunahin din ang ilang aspekto ng kaisipan ni Lewis, lalo na ang kaniyang mababang pagtingin sa implikasyong pangkapangyarihan ng antropolohiya bilang disiplina, at ang tila ganap na pagpapawalang-sala niya sa kolonyal na papel ng Amerikanong antropolohiya.
Conceptio Open Archive

Analyze & explore related research in Conceptio

Connect this record directly into your research workflow or AI agent. Explore citations across open repositories, query full text, and export structured proof bundles.

This document is indexed with metadata only: full text is not available in the archive for this record. Open the official source ↗

Related documents

Record · ID 73305
Retrieved via Conceptio: every document is proof-bundled with source, license, and retrieval metadata.
Bring this data into your agent: Connect via MCP or API · 20 free credits to start · no card required
Read the Docs → · View CLI source on GitHub · Conceptio Open Knowledge Archive