Conceptio › Archive › PhilArchive
PhilArchive open access

Kulturang Materyal bilang Batis at Larangan ng Kasaysayan

Santos, Mark Joseph · 2018
PhilArchive · Papers · 2018
Open Source ↗
philosophy
Namulat sa makipot na kasanayang disiplinal ng metodolohiyang pangkasaysayan na nakatuon sa pagsusuri ng mga dokumento sa arkibo, hindi pa katagalan mula nang mag umpisang mabatid ng mga historyador ang kahalagahan ng kulturang materyal sa kanyang larangan. Higit pa sa pagpapahalaga sa kulturang materyal bilang batis ng kasaysayan, paksa ng sinusuring aklat ang pagsasakasaysayan ng kulturang materyal bilang isang bagong larangan. Tinipon ng mga historyador na patnugot na sina Anne Gerritsen at Giorgio Riello sa Writing Material Culture History ang kontribusyon ng dalawampu’t anim na akademiko mula sa iba’t ibang larangan tulad ng kasaysayan, antropolohiya, arkeolohiya, museolohiya, at kasaysayan ng sining, upang makabuo ng isang batayang aklat tungo sa pagpapayabong ng makabago at interdisiplinaryong larangan ng kasaysayan ng kulturang materyal. Nahahati sa tatlong bahagi ang rebyung ito: ang una’y tatalakay sa pangkabuuang tema na nagbubuklod sa samu’t saring sanaysay na nilalaman ng aklat, ang ikalawa’y magbibigay ng payak na pagbubuod sa bawat kabanata, at ang huli’y tatalunton sa maaaring maging metodolohikal na ambag ng aklat sa larangan ng historiograpiyang Pilipino.
Conceptio Open Archive

Analyze & explore related research in Conceptio

Connect this record directly into your research workflow or AI agent. Explore citations across open repositories, query full text, and export structured proof bundles.

This document is indexed with metadata only: full text is not available in the archive for this record. Open the official source ↗

Related documents

Record · ID 97692
Retrieved via Conceptio: every document is proof-bundled with source, license, and retrieval metadata.
Bring this data into your agent: Connect via MCP or API · 20 free credits to start · no card required
Read the Docs → · View CLI source on GitHub · Conceptio Open Knowledge Archive