Conceptio › Archive › PhilArchive
PhilArchive open access

Ang Pagbuot sa Buut ng mga Piling Batid sa Delikasiyang Antiqueño

Fuentes, Faye · 2025
PhilArchive · Papers · 2025
Open Source ↗
philosophy
Sasagutin sa papel na ito kung paano nabubuo ang pagkatao ng mga piling Antiqueñong batid sa paggawa ng piking, bandi at sapal. Susuriin ito sa pamamagitan ng Tatluhang Larangan ng Buut ng Panay na binubuo ng huna- huna, batyag at lawas ni Vicente Villan, at ang kaugnayan ng buut sa temang pangkaisipan, emosyunal, kagustuhan at etikal ni Leonardo Mercado. Ang mga sumusunod na tiyak na suliranin ang magiging gabay sa pagsusuri: 1) Paano maminsar ang mga tagagawa ng piking, bandi at sapal? 2) Paano isinaalang- alang ang pangkabubut-on8 sa pagbuo nila ng kanilang mga kagustuhan? 3) Paano nakaaapekto sa kanilang pagiging Antiqueñong batid ang larangang lawas? Pinatutunayan ng pag-aaral na ito na ang pagiging batid ay hindi lamang maiuugnay sa pagiging maalam sa proseso nang paggawa ng isang bagay. Ang pagiging batid ay may mataas na pagpapahalaga sa kanyang kapwa. Ang pagiging batid ay nakatatagpo ng kaligayahan sa kanyang ginagawa, hindi lamang para sa kanyang sarili kung hindi maging para sa iba. Sinusuri nila ang lahat mula sa hilaw na materyales, proseso at pagbabalot, upang maibigay ang pinakamagandang produktong kanilang magagawa. Sa pagbuo ng delikasiyang Antiqueño, isinasaalang-alang ng mga piling batid ang kanilang buut sa huna- huna, sa batyag at sa lawas.
Conceptio Open Archive

Analyze & explore related research in Conceptio

Connect this record directly into your research workflow or AI agent. Explore citations across open repositories, query full text, and export structured proof bundles.

This document is indexed with metadata only: full text is not available in the archive for this record. Open the official source ↗

Related documents

Record · ID 112319
Retrieved via Conceptio: every document is proof-bundled with source, license, and retrieval metadata.
Bring this data into your agent: Connect via MCP or API · 20 free credits to start · no card required
Read the Docs → · View CLI source on GitHub · Conceptio Open Knowledge Archive