PhilArchive
open access
Lakbay-Kabanwahan: Mga Salaysay ng mga Likasyan (paunang salita)
PAUNANG SALITA Sa pagdiriwang ng ika-35 taong anibersaryo ng muling itinatag na Unibersidad ng Pilipinas (UP) Lipunang Pangkasaysayan (LIKAS), mahalagang handog ng mga Likasyan—kasapian at alumni ng UP LIKAS—ang pagkakalathala ng ikalawang tomo ng Lakbay- Kabanwahan: Mga Salaysay ng Pangingibang-bayan ng mga Likasyan. Ang ikalawang tomong ito ng Lakbay-Kabanwahan ang ikawalong malawakang lathalain sa wikang F/Pilipino ng UP LIKAS. Naunang mga publikasyon ng organisasyon ang dyornal na LIKAS: Dyornal ng Kasaysayan na inedit ni Nilo Ocampo (1976) at librong Paksa, Paraan at Pananaw sa Kasaysayan na pinamatnugutan nina Ma. Bernadette Abrera at Dedina Lapar (1992). Sinundan ito ng tatlong librong inilathala ng Limbagang Pangkasaysayan (LimbagKas) para sa UP LIKAS—Wika, Panitikan, Sining at Himagsikan (Navarro & Abejo 1998), Kaalaman at Pamamaraan sa Pagtuturo ng Kasaysayan (Navarro et al. 2008), at Kasaysayang Pampook: Pananaw, Pananaliksik, Pagtuturo (Navarro et al. 2012). Kasunod nito, inilathala ang SALIKSIK E-Journal, Tomo 7, Bilang 1, na may temang Brindis para kay Nilo S. Ocampo: Pagpupugay sa Isang Natatanging Likasyan at Pangunahing Haligi ng Bagong Kasaysayan (Navarro 2018). At noong 2019, inilathala ng LimbagKas para sa organisasyon ang unang tomo ng Lakbay-Kabanwahan na may temang Lakbay-Kabanwahan sa Timog Silangang Asya (Elumbre & Navarro 2019).
Conceptio Open Archive
Analyze & explore related research in Conceptio
Connect this record directly into your research workflow or AI agent. Explore citations across open repositories, query full text, and export structured proof bundles.
This document is indexed with metadata only: full text is not available in the archive for this record. Open the official source ↗
Related documents
- Kasaysayang Buhay ni Kapitan Moy (1851-1891) sa Konteksto ng Kasaysayang Mariqueño#85184
- Mahinungdanong Kabilin: Ang Panghunahuna ni Jose Maria Sison (A Significant Legacy: The Jose Maria Sison Thought)#724013
- Okupasyonal na Varayti ng Wika ng Magkokopra sa Camarines Norte#724702
- Kultus sains tentang steroid: Review dari "Kebebasan Berkembang" (Freedom Evolves) oleh Daniel Dennett (2003) (Review direvisi 2019)#770134
- Ang Pagbuot sa Buut ng mga Piling Batid sa Delikasiyang Antiqueño#112319
Record · ID 115237
Retrieved via Conceptio: every document is proof-bundled with source, license, and retrieval metadata.
Retrieved via Conceptio: every document is proof-bundled with source, license, and retrieval metadata.
Bring this data into your agent: Connect via MCP or API · 20 free credits to start · no card required
Read the Docs → · View CLI source on GitHub · Conceptio Open Knowledge Archive
Read the Docs → · View CLI source on GitHub · Conceptio Open Knowledge Archive