PhilArchive
open access
Okupasyonal na Varayti ng Wika ng Magkokopra sa Camarines Norte
Binigyang-pokus ng pag-aaral ang pagtatala ng okupasyonal na varayti ng wika bilang batayan sa pagbuo ng identidad ng magkokopra sa Camarines Norte. Ginamit sa pag-aaral na ito ang kalitatibo at etnograpikong disenyo upang maitala at malikom ang datos na kailangan sa pag-aaral. Ang pagmamapang kultural ang naging paraan sa paglilikom ng datos at purposive-convenience sampling naman sa pagtukoy ng mga kalahok. Sa kabuoan ay walo (8) ang naging kabahagi ng pag-aaral na lahat ay pawang matagal nang nagkokopra. Ang mga nakalap namang datos ay sinuri gamit ang thematic data analysis at tabulation. Natuklasan sa pag-aaral na ang 114 salita ay patunay kung gaano natatangi ang magkokopra sa lalawigan. Ang mga pagkakaibang tulad sa heograpikal na lokasyon, sosyo-sitwasyonal na aspekto, ponolohikal na varayti at/o pagkakaiba, pagiging natatangi at/o naiiba sa pangkalahatang salitang ginagamit ng marami ay isang mahalagang aspektong tiningnan ng mananaliksik upang maitampok ang identidad at o pagkakakilanlan ng magkokopra sa lalawigan ng Camarines Norte. Bukod sa mga natuklasan ng pag-aaral ay mahalaga pa ring magkaroon ng higit na pagdalumat, pagkokompara, at pagkokontrast ng mga okupasyonal na varayti ng wika sa iba’t ibang domeyn at/o okupasyon sa buong Bikol. Mahalaga ring magkaroon ng paglilimbag ng mga okupasyonal na varayting ito at maging ang kahulugan upang magsilbing salukan ng mayamang pag-aaral at maging malaking bahagi sa pagsasakatuparan ng layuning intelektuwalisasyon ng Wikang Pambansa ang Filipino.
Conceptio Open Archive
Analyze & explore related research in Conceptio
Connect this record directly into your research workflow or AI agent. Explore citations across open repositories, query full text, and export structured proof bundles.
This document is indexed with metadata only: full text is not available in the archive for this record. Open the official source ↗
Related documents
- Pagbuo at Balidasyon ng mga Suplementaryong Worksheet sa Filipino 6#245035
- Ciencia Colonial, Facultad de Medicina y Farmacia at Edukasyong Medikal: Kolonyal na Tugon sa Suliranin sa Sakit, Dantaon 19#117716
- Si Jose Rizal sa Ugnayang Pilipinas-Indonesia: Pag-aaral Ukol sa mga Salik sa Pagtingin ng Lipunang Indones kay Rizal#718115
- Himig ng Rehiyon: Pilipinolohiya sa mga Piling Kantang Ilonggo Pop sa South Cotabato#108360
- Suring Supling: Panitikang Pambata bilang Kasangkapan ng Pagbabalik-loob sa Egalitaryong Sistema ng Sinaunang Pamayanang Pilipino#106350
Record · ID 724702
Retrieved via Conceptio: every document is proof-bundled with source, license, and retrieval metadata.
Retrieved via Conceptio: every document is proof-bundled with source, license, and retrieval metadata.
Bring this data into your agent: Connect via MCP or API · 20 free credits to start · no card required
Read the Docs → · View CLI source on GitHub · Conceptio Open Knowledge Archive
Read the Docs → · View CLI source on GitHub · Conceptio Open Knowledge Archive